Thursday, June 14, 2007

random thoughts

kahapon was my mom's 5th year death anniv, i worked from home and cooked pancit, lighted a candle and offer a prayer - how time flies, 5 years na pala namin siyang hindi kasama. medyo senti mood ako after i published my first 2 postings, napapaisip na naman ako ng kung ano ano. wala lang na mi miss ko lang ang nanay ko. Sa sat, dadalaw ako sa grave niya, malayo na kasi kami sa hometown namin.

si papa bear naman, medyo dissappointed siya sa career niya, june 12 na announce yung bago nilang org chart, napunta na siya sa project based instead of managing 50 plus staff, now individual contributor na lang. di ko alam yung reason why this had happened, sabi ko na lang sa kanya see the brighter side of the coin, at least ngayon, di na niya kailangang makisama with 50 different personalities, people are people, they have different behaviors at di na rin mamumurublema sa mga pala absent na staff niya. feeling ko na pulitika siya kasi yung bago nilang managing director kumpare nung na appoint na papalit sa pwesto niya. sabi ko nalang at least di nman babawasan ang salary niya.

3 comments:

Lit Coo said...

Ay oo nga ano, 5th eternal birthday na pala ng mom mo. Ang bilis ng panahon. Buti ka pa makakadalaw sa kanya. Nung huling bakasyon namin sa Pinas hindi man lang ako nakadalaw sa daddy ko. Ilang taon ko na rin syang hindi nadadalaw. Biglang na-miss ko rin tuloy ang daddy ko.

Hmmm, medyo bad trip nga pag may pulitika sa opisina. Wag na lang kamo nyang intindihin. Siguro naman less stress pero same ang kita... parang ok ata yun, hehe!

Honey Bear said...

Hi Lit Coo,

thanks sa comments mo ha,kahapon nga pala i visited carenmamen's blog, di pala updated, kumusta na kaya siya?

Lit Coo said...

Hi! You have been tagged! Check http://litcoo.blogspot.com