after a week of business trip, at last i'm home, tuwang tuwa ako on my way back to manila, yung connecting flight ko via kuala lumpur halos 90% pinoy ang kasabay ko, mostly ofw, ang kulit, nakailang reminder ang crew to remain seated while the seatbelt sign is on, di masaway, yung katabi ko mayat maya tinitingnan yung hand carry niya, binibilang siguro ang pasalubong niya para sa pamilya - everyone is so excited to be back. nakakarelate ako sa kanila - ako nga 1 week lang nalalayo sa pamilya ko, ganon din feeling ko, super excited tuwing pauwi.
i arrived 4:30pm, siyempre maaga pa, dami pang time to shop - nag aya si baby bear sa duty free, kakagulat ang haba ng pila sa duty free bago makakuha ng purchase card, pang 994 ako, nakakain na kami sa kenny rogers sa loob, di pa rin tinatawag yung number ko, buti naman bukas pala ang fiesta mall until 2am. as usual puro chocolates at cookies ang pinabili ni baby bear, yung chocolates daw ang christmas gifts niya sa classmates and teacher niya - tomorrow ang party nila kaya mamayang gabi babalutin ko pa yung mga chocolates.
yung mga wishlist ni baby bear nabili ko lahat sa KL, pero yung perfume ni papa bear di ko nabili sayang naubusan na ako ng dollars kasi nag excess baggage ako, ang mahal ng binayaran ko - di bale ihahabol ko na lang ang pamimili within this week.
No comments:
Post a Comment