Thursday, January 22, 2009

not a good start for 2009

it took me along while to decide on whether to post this entry, pero naiisip ko sige na nga, medyo negative kasi.
life has been hard for us these past few weeks:
  • yaya dilemma - before the end of the year, nagpaalam ang yaya na she needs to attend her sister's wedding in Zamboanga on Jan 8, umalis ng Jan 5, nag-advance ng salary for the month, ang paalam, she will just be gone for a couple of days be back on Jan 15. nagtaka ako ng umalis ng jan 5, dala ang maleta sabi lumang damit daw, ipapamigay na sa probinsya, so fine di ako nag-isip ng masama. the following day, me nakapagsabi sa akin, na andon lang sa kabilang blocks, namasukan, shocks, sobrang kakainis, pakitaan mo ng maganda, pakisamahan mo ng maayos, ganon din, lolokohin ka rin. bottom line, nabawi ko naman yung inadvance niya. and on the brighter side, sobrang torture pala ng inabot ng baby ko sa kanya, very recent ko lang nalaman na ang lakas palang manigarilyo, kaya pala di nawawalan ng sipon at ubo si Justin eh ganon pala, tapos para di namin mahalata pinapaliguan sa hapon ang baby para nga naman pagdating ko malinis at mabango ang bata. buti na nga lang umalis na rin siya.
  • everyone in the family got sick (viral illness) - it started with baby bear, 3 days di nakapasok, 5 days na on and off ang fever, after a week kami naman ni Justin sabay, halos di ako makabangon, sobrang nahirapan akong huminga, nagka rashes din kami, akala ko dengue na, buti na lang normal lahat ng lab test namin. di din nakakapasok si papa bear, kasi wala kaming helper sa bahay, me sakit pa kaming tatlo, sobrang na miss ko tuloy ang sister ko na nasa kuwait ngayon. in times like this siya ang lagi kong nasasandalan.

  • my last day in the office will be on april 30, yesterday nag-announce na sa amin na we will be closing, together with other factories in penang malaysia and 2 fabs in the US, sinabay pa sa inaguration ni obama, oh di ba memorable ang announcement sa amin. it's confirm jobless na kami after april 30. on the other hand, good news na rin sa akin kasi, plano ko na talagang mag resign dahil sa yaya issue, at least kung full time mom ako, maaalagaan ko na silang lahat. at the same time, we can save some cost on unnecessary expenses for having a helper.

how are we surviving? eto palitan kami ng absent ni papa bear para mag-alaga kay Justin, most of the time i'm working from home, buti na rin lang mabait boss ko, i was allowed to work from home 2-3 times per week. iniisip ko na lang everything happens for a reason para rin maging mabilis ang acceptance ko sa mga nagiging pagbabago sa worklife ko. senya na rin at taglish ang post, mas feel kong mag-express ng emotions sa tagalog.

1 comment:

elapot said...

**hugs and more hugs** sis. kaya yan, with God's help specially :)