i'm back, it's been a while since my last posting, sobrang busy sa mga household chores. ang hirap pala talagang maging "housewife" parang 24x7 ang duty (he he he). ang mga housemaid ko kasi come and go sila, wala pa akong makitang trustworthy. hindi ko rin ma focus ang paghahanap ng work kasi worried ako kung kanino ko iiwan si bunso.
daming realities sa amin ng bagyong ondoy, walang mahirap at mayaman when typhoon strikes. ilang malalaking village sa amin, until now waist deep pa rin ang mga bahay nila, halos wala silang naisalbang gamit, yung mga sasakyan, sira lahat. nakaka trauma talaga. pero the good side of it, nakita ko rin, ang true meaning ng bayanihan, mapa artista o ordinaryong tao ka man, lalabas at lalabas ang pagiging bayani sa panahon ng pangangailangan. i'm proud to be a filipino, kasi kahit anong bagyo ang danasin, nakakangiti pa rin. at ganon ko rin na realized na there are a lot of kindhearted people who are always there to help, ang bilis ng flow ng mga cash donations sa abs at gma, in a week halos naka 100M na ang dalawang network. gusto gusto ko sanang mag volunteer sa scout bayoran para mag pack ng relief goods, wala lang talaga akong oras. naalala ko tuloy kung open pa ang company namin, i'm sure magpapadala yun ng donations at volunteers sa qc.
thank God walang masamang nangyari sa amin, ako lang kasi ang kasama ng mga kids sa bahay si papa bear eh na stranded sa pavillion the whole night, sobrang taas na kasi ng baha sa mamplasan, ako naman i'm very much worried kasi sobrang lakas ng current sa creek na malapit sa entrance ng village namin, iniisip ko paano ko bubuhatin ang mga gamit sa sala, in case na tumaas ang tubig, buti na lang medyo mataas yung area namin di na inabot ng tubig. pero ngayon halos knee deep pa rin sa main entrance ng village kaya ang mga car di pa rin maipasok dito, kung saan saan na lang ipi na park ng mga taga rito ang sasakyan nila. apaw rin kasi ang laguna de bay.
i am thankful dear Lord for everything, for keeping my community safe, for bringing out the best in us, i was able to witnessed how helpfull the filipinos are. thank you for another year, i almost forgot to celebrate my birthday last oct 3, because we are worrying too much on typhoon pepeng, thank you so much that You didn't allow it to landfall, it stayed in the pacific ocean all through out. i thank you for all the blessings and for helping me do my share to help others. all these i prayed in Jesus name, Amen!
No comments:
Post a Comment